February 20 2009.. unforgettable date!
February 20 2009.. unforgettable date!
***actually Feb 21 na ngayon.. kasalukuyang nagsusulat ako dito sa sala namin.. maniwala ka man o hindi 4:32 am na! di talaga ako makatulog, akala ko bandang 1 am tuluyan na ako makakapagpahinga pero 2:30 am na mulat pa rin ang aking mga mata,di ko namalayan 4:30 am na kaya heto umalis ako ng kwarto at kumuha ako ng papel at bolpen! Isipin mong sinulat ko pa talaga ‘toh!..hayz! ^__^
***gusto ko lang ishare ang nangyari saken kanina lang Feb 20! Alam ko pero di alam ng lahat na ngayon ang araw namin.. maaaring di malilimutan o maaaring nakakayamot! Ang tinutukoy ko ay “release na ng board exam result sa net!” haler..kabado akong tunay!! May nagtext saken na may result na nga pero wala pa ang list of names!..huhuhhh..kabado talaga ako!..pacenxa na tao lang kase ako..kinakabahan!..taz mayamaya lang meron na daw list of names..binigyan pa aq ng mga sites..naku sa sobrang strong ng nararamdaman ko kinuha ko ang stethoscope ko.. langya! 132 beats ang puso ko! Tatalon na ata!..di ko muna tiningnan fone ko.. ang ginawa ko.. NALIGO ako! Hahah ^__^ inalis ko ang tension ko, ang sobrang init at di maipaliwanag na nararamdaman ko! Eto na… tapos na ang 30 minuto na paliligo ko at di ko napigilang tingnan ang fone ko dahil nakita kong my 4 msgs na’to!
*** at yun na nga… si ate kay! Ibinalita saken ang napakagandang balita sa buhay ko! Pasado ako! Pero di agad ako nagsaya!..gusto ko ng confirmation.. mahirap na ‘pag nagsaya kaagad! Mayamaya lang nagtext si pedio!.. congrats daw!..waaahhh..pasa nga ba ako??! Hanggang nagsunod2 na ang text! Di ko alam kung sino una irereply!..taz maingay na rin dito sa bahay!..hayz!! nangangatal ang tuhod at mga kamay ko..uminom ako ng tubig at baka himatayin ako..eh sabi nila wag daw naman dahil magpapablowout pa ako!.. hahahahh! ^__^
***madami pa nangyari sa loob ng buong araw na’to! Halos pumaga ang kamay ko sa paggamit ng cp.. binaha ako ng text! Ayoko naman ng basta “salamat” lang ang reply..gusto ko talaga “message galing sa puso ko!” kaya hayun..sumakit talaga daliri ko.. tunay!
***masasabi ko lang, utang ko ang lahat na’to kay GOD! Konting percent lang na maituturing ang pinaghirapan ko.. naniniwala akong si GOD ang reason sa malaking blessing na’to! HARDWORK + DETERMINATION + FAITH.. tamang timpla lang! that’s the secret behind this gift! ^______^
Writer’s note>> mas lalo akong di makatulog ‘nung may result na..kesa sa mga araw na naghihintay pa lang ako sa mga posibleng mangyari!! *__*